PAPA JACK copy

SA Valentine concert na may titulong Panahon ng May Tama #Comic-Kilig na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Pebrero 13, produced ng CCA Entertainment Productions Corporation ni Joed Serrano at sa direksyon ni Andrew de Real, marami ang nag-akala na si Papa Jack lang ang hindi singer/performer kung ikukumpara kina Boobsie Wonderland, Ate Gay at Gladys ‘Chuchay’ Guevarra na pawing stand-up comedienne.

Kaya sa presscon ng show, tinanong ang sikat na DJ kung ano ang magiging contribution niya.

“Well actually po every week may bar gigs ako sa Padi’s Point ng Saturdays and Sundays, Baguio, Olongapo, Angeles. I play guitar, I do acoustics po, kumakanta ako. Gagawin ko rin po ‘yan sa concert plus meron silang ipapagawa sa akin that would require me na mag-rehearse,” sagot ni Papa Jack na sinabayan ng halakhak.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Baka ala Magic Mike prod ang gagawin ni Papa Jack, “parang ganun,” natawang sabi ulit.

May advise portion din daw si Papa Jack tulad ng ginagawa niya sa sikat niyang radio program na TLC o True Love Conversations at Wild Confessions sa 90.7 Love Radio.

“May flavor pa rin ng ganu’ng Papa Jack side, with a twist,” saad ng DJ.

Ano ang pakiramdam na mula sa DJ’s booth niya sa Love Radio ay tutuntong siya sa Araneta Coliseum?

“Nu’ng isang gabi nga po pinag-uusapan namin sa ere nu’ng caller ko na after nu’ng concert sa Araneta, meron akong naka-line up na gig sa Padi’s Point Araneta sa labas.

“So, sabi ko sa radyo, at least anu’t anuman ang sapitin nu’ng event ‘ika ko, babalik ako sa Araneta, sa labas na nga lang,” natawang kuwento ni Papa Jack.

Professional singer ba talaga si Papa Jack?

“Hindi po ako singer, I just love playing the guitar. Eh, ‘yung Padi’s Point naman willing akong bayaran para tumugtog sa harap ng mga tao.”

Samantala, may titulo na si Papa Jack, Phenomenal DJ dahil sa dahil sa success ng kanyang radio program.

“Title na po ba ‘yun? Talaga? Ah, okay. Sorry po, hindi kasi ako talaga maano, eh, lahat po ng ginagawa ko sa industriya, just the term industriya nga po nahihiya akong sabihin kasi parang hindi ko binibigyan ng karapatan ang sarili ko na, ‘Nandun na ba ako sa ganu’n?’

“But I think my program, it’s doing good, siguro gauge ko na rin po ‘yung every night I get napakadami kong bisita, na hindi ko maintindihan, na inaabot ako minsan ng dalawandaang tao na dumadalaw sa booth.

“Hindi ko maintindihan, ano ‘yun, at madalas po may mga nanggagaling pa ng Norzagaray, Los Baños, para puntahan ako. Siguro they get something out of the show,” masayang kuwento ni Papa Jack.

Mas marami ba siyang callers na babae kaysa lalaki?

“Pareho lang po. Ang ikinagugulat ko lang po talaga kapag may tumatawag sa akin na de-kalibre ‘yung propesyon. Like lawyer, doctor, na minsan I even doubt them kung , ‘Talaga bang lawyer ka?’ But you ask them about law, nasasagot naman nila.

“And kung ‘yung tanong n’yo po ‘yung about sa pagiging DJ, pagiging isang hamak na DJ, na alam n’yo naman maliit lang ang suweldo ng DJ, di ba? Kundi ka naman raraket hindi ka kakain ng masarap, ‘tapos bar gigs, ‘tapos Araneta Coliseum, overwhelming po talaga.

“Bihira ang DJ na nabigyan ng pagkakataon na kumita ng malaki at humarap sa maraming tao,” mahabang paliwanag ni Papa Jack,

Inamin ni Papa Jack na fan siya ni Joe D’Mango, ang isa pioneers sa pagbibigay ng advise sa radio sa mga may love problems.

Bakit nga ba nalinya si Papa jack sa pagbibigay ng payo on-air?

“Nu’ng bata po ako na nangangarap akong maging DJ, iyan na po ‘yung aking, kumbaga, iyan ‘yung image ng pagiging DJ sa utak ko,” kuwento niya.

At dahil sa sikat na sikat si Papa Jack ay marami na ang gumagaya sa kanya.

“Siguro ano po, proven ‘yung formula na kapag mas tao kang magbigay ng advise, mas maiintindihan ka ng masa.”

Tiyak na panonoorin sa Big Dome sa darating na Sabado si Papa Jack ng kanyang listeners na gabi-gabing nakasubaybay sa kanya. (Reggee Bonoan)