FullSizeRender (68) copy

PITONG buwan na sa business, pero hindi pa rin makapaniwala si Maine Mendoza sa kanyang tinatamasang kasikatan at mga biyaya.

“Never ko pong inakala na makararating ako kung nasaan na ako ngayon,” say ni Maine. “At nakakatuwa po na ginagawa ko na ngayon ang gusto ko talagang gawin, kaya labis-labis ang aking pasasalamat sa lahat.”

Pero hindi ganoon kadali ang lahat para kay Maine, lalo na nang pagtambalin na sila ni Alden Richards sa kalyeserye at noong Pasko, sa isang pelikula sa Metro Manila Film Festival. Dumating na kasi ang demands sa kanila hindi lamang sa mga shows kundi maging sa pagiging endorsers din. Kung may endorsements silang magkasama, mayroon ding solo endorsements.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

“Kaya ngayon po ay nalaman ko nang hindi pala ganoon kadali, aaminin ko po na physically tiring, pero I am humbled at labis ang pasasalamat sa lahat ng sumusuporta sa akin at tumatangkilik sa lahat ng ini-endorse kong produkto.”

Hindi maikakaila na isa sa paboritong endorsers si Maine dahil sunud-sunod ang kumukuha sa kanya, kaya nagugulat na lamang ang fans niya na may bago na naman siyang ipalalabas na TV commercial. 

Kamakailan ay may lumabas na teaser na naka-green long gown si Maine na may crown at gold necklace, at ang tanong ng fans, kung perfume daw ba ang ii-endorse niya. Tumagal ng more than two weeks ang teaser bago ipinakita ang buong story ng TVC na pagkatapos magsalita si Maine na “hindi ka pala totoo,” sabay tanggal ng korona at necklace at nagpatong ng isang apron sa kanyang long gown. Magluluto pala siya ng CDO Funtastyk Young Pork Tocino. 

Si Maine ang newest endorser ng CDO product na itinuturing niyang panibagong sa kanya lalo na’t noon pa pala siya ‘fan’ ng said brand ng tocino na gawa sa young pork at walang salitre kaya ligtas kainin lalo na ng mga young ones na tulad niya.

“Naniniwala po ako sa produktong ito at iyon ang isa kong hinahanap kapag tumatanggap ako ng offers, iyong p’wede kong ipagmalaki, kaya sa shooting pa lamang namin, nag-enjoy na ako dahil bukod sa nakain ko ang paborito ko, naipakita ko pa ang totoong ako, kenkoy at masayahin, fantastic baby pa more,” natatawang sabi ni Maine.

Kung buo ang suporta ng CDO kay Maine na lumabas sa lahat ng diyaryo at sa TV ang promotion niya, nakakatiyak din ang CDO na tatangkilikin ng mga tao ang kanilang produkto dahil proven nang lahat na i-endorse ni Maine ay successful sa market. (NORA CALDERON)