Kahit hindi pormal ang pagbawi sa kanyang kandidatura sa pagkapangulo nitong Biyernes, inaasahang ieendorso ni OFW Family Party-list Rep. Roy Señeres ang isa sa kanyang mga katunggali para sa pagkapresidente ng bansa.

Naka-confine sa hindi tinukoy na ospital para sa “general check up”, sinabi ni Señeres na problemang pangkalusugan ang dahilan kaya siya nagdesisyong umatras sa presidential race.

Magsisimula na ang panahon ng kampanya sa Martes.

Gayunman, hindi tinanggap ng Commission on Elections (Comelec) ang statement of cancellation/withdrawal ng pambato ng katatatag na Partido ng Magsakaka at Manggagawang Pilipino.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Ayon sa Comelec, hindi puwedeng ang anak niyang si Hannah ang magkansela ng kanyang kandidatura kundi personal na si Señeres mismo.

Dapat umanong panumpaan si Señeres ang kanyang desisyon upang matiyak na boluntaryo ito.

Ang pambato ng Liberal Party na si dating Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang may pinakamalaking posibilidad na maiendorso ni Señeres.

Ngunit pabor ang dating ambassador sa hindi pagkadiskuwalipika ni Sen. Grace Poe.

Dating ring chairman ng National Labor Relations Commission, inaasahang susuportahan ni Señeres ang sektor ng paggawa, partikular ang mga OFW, kung mananalo siya sa pagkapresidente. (Ben R. Rosario)