Sa opisyal na pagsisimula ng panahon ng kampanya ngayong linggo, pinaalalahanan ang mga kandidato ng administrasyon na iwasan ang dirty tricks at mag-focus sa halalan sa Mayo.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma, Jr. na ang mga kandidato ng Daang Matuwid Coalition ay inaasahang tututok sa kanilang plataporma at sumunod sa mga batas sa eleksiyon.

“The President has set the tone for the Daang Matuwid Coalition,” sabi ni Coloma sa isang mensahe sa text.

“As in the 2010 and 2013 elections, the primary focus shall be on platforms and issues while adhering to all laws pertaining to the conduct of the elections,” dagdag niya.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Itinakda ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsisimula ng campaign period para sa pambansang posisyon sa Pebrero 9. Magtatapos ito sa Mayo 7.

Para sa local elections, magaganap ang panahon ng kampanya simula Marso 25 hanggang Mayo 7. (Genalyn D. Kabiling)