MALOLOS CITY -- Mahigit 10,000 atleta ang paparada sa Bulacan Sports Complex para sa pagbubukas ngayon ng 2016 Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) Meet.

Inorganisa ng Department of Education (DepEd) sa pakikipagtulungan ng DepEd Schools Division Office (SDO) ng Bulacan, inihayag ni Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado na sinisikap ng Pamahalaang Panlalawigan na tiyakin ang kaayusan at kaligtasan ng mga delegado habang sila ay nasa lalawigan.

Kaugnay ng temang, “Developing Strong Character Through Sports”, layunin ng nasabing palaro na maitatak sa isipan ng mga atleta ang disiplina, pagtutulungan, pagiging patas sa paglalaro at pakikipag kapwa-tao sa iba pang atleta mula sa 18 schools divisions sa rehiyon gayundin upang makapili ng kakatawan sa Palarong Pambansa 2016.

Dadalo si Sen. Teofisto “TG” Guingona III bilang panauhing tagapagsalita. Magsisimula ang naturang aktibidad sa isang parada na gagawin sa Bulacan Sports Complex sa ganap na 2:00 ng hapon.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Idaraos naman ang Governor’s Night sa 6:00 ng gabi sa Hiyas Pavilion kung saan panauhing pandangal si DepEd Regional Director Malcolm Garma, CESO V.

Gaganapin ang larong pampalakasan sa Pebrero 8-12 sa 15 lugar kabilang na ang Balagtas Central School, Balagtas Gym, Boying’s Billiard Hall, Bulacan Sports Complex, Bulacan Capitol Gymnasium, Bulacan State University Activity Center, Calumpit Central School, City Walk, CMIS Sto. Rosario, Guiguinto Municipal Athletic and Cultural Center, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Marcelo H. Del Pilar National High School Gym, Norzagaray Central School, Philippine Sports Stadium, at Richwell College sa Plaridel.

Kabilang sa sports na paglalabanan ang Archery, Amis, Athletics, Badminton, Baseball, Basketball, Boxing, Chess, Football, Gymnastics, Sepak Takraw, Softball, Swimming, Table Tennis, Taekwondo, Tennis, Volleyball, Special Olympics. Ang Billiard, Futsal, at Sepak Takraw-Girls naman ang siyang magiging demonstration sports.

Ang 18 kalahok na school division ay Angeles City, Aurora, Balanga City, Bataan, Bulacan, Cabanatuan City, Gapan City, Mabalacat City, Malolos City, Science City of Munoz, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, City of San Fernando, San Jose City, Tarlac City, Tarlac, at Zambales. (gilbert espeña)