Andrea-Brillantes-520x386 copy

NANG mapanood namin ang eksenang binu-bully si Andrea Brillantes sa Pangako Sa ‘Yo ng mga kaklase niya sa isang bar, ramdam namin na parang totohanan at damang-dama ng batang aktres ang pananakit sa kanya.

Nakakausap kasi namin ng personal si Andrea kaya kahit papaano ay kilala na namin siya at alam namin ‘yung mga pinagdadaanan niya.

Timing na ang nabanggit na eksena ang isinagot ni Andrea nang tanungin siya kung ano ang pinakamahirap at memorable scene na nagawa niya sa buong walong buwan ng serye, sa finale presscon ng Pangako Sa ‘Yo noong Huwebes ng gabi sa 9501 Restaurant.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Para sa akin po, ang pinakamahirap at pinaka-memorable na scene po ay ‘yung inapi po ako ro’n sa party kasi sobrang totoo na po ‘yung mga sabunot sa akin at kailangan pang ulitin pa. Pinakamahirap na scene kasi nu’ng kinunan ‘yun, nu’ng dumating ‘yung KathNiel na nagulat ako kasi hindi ko alam kung ano ang magiging emosyon ko kung nakatulala o hahagulgol po ako. Saka nu’ng nagising na po ako (kinabukasan) ang sakit ng katawan ko kasi parang binugbog ako.”

Nakakatuwa si Andrea na kitang-kita na talagang in-enjoy niya ang pagganap sa Pangako Sa ‘Yo bilang nakababatang kapatid ni Daniel Padilla as Angelo at feeling niya ay kuya talaga niya ang aktor.

Aminado rin ang bagets na mami-miss niya ang Pangako Sa ‘Yo family na sa walong buwan nilang pagsasama-sama ay naging pamilya na ang turingan nilang lahat.

As of now ay wala pang alam na follow-up project si Andrea at hoping siya na masusundan ito lalo’t siya ang breadwinner ng pamilya.

Inaabangan na ng avid viewers ang finale week ng Pangako Sa ‘Yo at sa Biyernes na ang wakas nito. (Reggee Bonoan)