NORA (2) copy

HANGGANG March pa ang kinagigiliwang family drama na Little Nanay na nagtatampok sa mga premyadong actor na sina Ms. Nora Aunor, Bembol Roco at Eddie Garcia with Kris Bernal as the little nanay na si Tinay. 

Eighteen weeks ding tatagal ang primetime series na napapanood pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7. Kaya natanong si Ate Guy ng mga bumisitang entertainment press sa location nila sa Antipolo City, kung gagawa siya uli ng isa pang drama series.

“Baka hindi muna,” nakangiting wika ni Ate Guy. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Magpapahinga ba muna siya?

“Baka, baka gumawa ako muli, depende sa story. Napamahal na kasi sa akin itong Little Nanay at ang mga kasama ko sa cast, parang isang pamilya talaga kami, si Kris, sina Mark (Herras), Juancho (Trivino) at ang aming bunso, si Chlaui (Malayao), si Chie Chie, anak ni Tinay. Malungkot nga kami sa mga eksena kapag wala si Chlaui at naroon siya sa isa pa niyang pamilya, sina Gladys (Reyes), Keempee (de Leon) at Hiro (Peralta), kaya kung ganito rin kaganda ang i-offer nila sa akin, baka mahirapan akong tanggihan.”

Masaya nga si Ate Guy na kasamang nagla-lunch ng cast with Direk Ricky Davao.

Hindi rin ikinaila ng superstar na si Sen. Grace Poe pa rin ang susuportahan niyang kandidato para presidente, at alam daw niyang mababasura ang disqualification cases nito.

“Alam ko tuloy ang pagkandidato niya, kapag hindi natuloy, kahit mag-isa magra-rally ako,” seryosong sabi ni Ate Guy.

(NORA CALDERON)