Magbabalik ang kinatatakutang Philippine Army habang masusubok ang kalidad ng dadayong Thailand sa pagpalo ng 2016 PSL Invitational Cup sa Pebrero 18 sa The Arena sa San Juan.

Inaasahang tataas ang kalidad ng kompetisyon sa PSL sa pagdagdag ng club team mula sa Thailand para maglaro sa bansa at makipag-agawan sa korona kontra sa mga lokal na koponan.

Kinumpirma mismo ni PSL president Ramon “Tats” Suzara ang pagdating ng Thai squad matapos makakuha ng permiso at pagsang-ayon mula sa Thailand Volleyball Association.

Ang Thailand ay kinukunsidera na powerhouse sa women’s volleyball sa rehiyon. Ito ay pinatotohanan ng women’s national team na nagwagi ng gintong medalya sa record na 12 sunod na edisyon ng Southeast Asian Games.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Our goal is not only to provide excitement, but also to give PSL teams a chance to compete against the best club team in the region and, probably, in Asia,” sabi ni Suzara.

Inaasahang magbibigay hamon sa kinatatakutang Thai team ang powerhouse Petron at Foton, nagharap sa kampeonato sa nakaraang Grand Prix.

Ang three-time champion Philippine Army ay magbabalik rin sa torneo habang ang nagpalakas na Cignal HD at ang mga baguhang koponan na F2 Logitics at San Jose Builders ay magpapamalas ng seryosong laban.

Condura Run, sisikad sa Alabang

Magkakasubukan ang pinakamahuhusay na long distance runners at celebrities sa pagsikad ng Condura Skyway Marathon 2016 Run For a Hero ganap na hating-gabi bukas sa Filinvest City, Alabang.

Nangunguna sa listahan ng mga Pinoy marathoners na pilit pipigilan ang dominasyon ng mga Kenyans sina Richard Salano, Alley Quisay, Mary Joy Tabal, Mary Grace Delos Santos at ang nakaraang taon na top Filipino finishers sa 42K race na sina Rafael Poliquit Jr. at Miscelle Gilbuena.

Ang mangunguna sa male at female division ng 42K Open at Filipino categories ay tatanggap ng P25,000 bawat isa. Ang ikalawa ay maguuwi ang P15,000 at ang ikatlong puwesto ay may P10,000 kada isa. (Angie Oredo)