Tiyak nang hahamunin ni Pinoy boxer Jerwin Ancajas si IBF super flyweight champion McJoe Arroyo matapos ihayag ng IBF na nagwagi ang kanyang promoter sa karapatang gawin ang laban sa gusto nitong lugar.

“A purse bid procedure was held in the IBF offices in New Jersey and promoter Sampson Lewkowicz of Sampson Boxing has won the right to promote the IBF super flyweight champion McJoe Arroyo’s first mandatory defense, against Jerwin Ancajas with a winning bid of $25,000,” ayon sa pahayag mula sa IBF.

Gumanda ang tsansa ni Ancajas sa sagupaang iniulat ng Boc.Rec.com na gaganapin sa Pebrero 20, saanman sa Estados Unidos o Pilipinas bagamat may karapatan si Lewkowicz na gawin ang sagupaan hanggang sa Mayo 2 sa lugar na pipiliin nito.

“Sampson Boxing, the only bidder, now has 15 days to submit the executed contracts (no later than February 17, 2016) and the fight must take place within 90 days or by May 2, 2016. Lewkowicz says Ancajas’ home country of the Philippines is the probable location for the fight,” ayon sa IBF.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nasungkit ni Arroyo ang bakanteng IBF super flyweight belt nang talunin sa kontrobersiyal na 10th round technical decision si Arthur Villanueva ng Pilipinas noong Hulyo 18, 2015 sa El Paso, Texas. (Gilbert Espeña)