Sasailalim sa tatlong buwan na pagsasanay ang tatlong miyembro ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa paghahangad na mapalakas ang kampanya sa lalahukang Olympic qualifying.

Sinabi ni PATAFA President Philip Ella Juico na aprubado na ang pagbiyahe ng tatlong atleta para magsanay at lumahok sa local tournament sa Perth, bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa nakatakdang qualifying meet para sa Rio Olympics.

“We have 3 athletes and a coach leaving in Perth, Australia next week to start 3-months training. They are Melvin Guarte, Edgardo Alejan at si Christopher Ulboc,” pahayag ni Juico.

Pambato si Guarte, 2015 Singapore SEA Games silver medalist, sa 800m at 1,500m distance, habang si Alejan ay sinasanay sa 100m at 400m relay, at si Ulboc ang premyadong Pinoy sa 3,000m steeplechase.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Maliban sa tatlo, sinabi ni Juico na patuloy din ang pagsasanay ng iba pang miyembro ng pambansang koponan.

“Emerson John Obiena is now back from training in Poland under his coach Vitaly Petrov,” aniya. “He has been there training since December 19 up to January 18. And then sasali siya sa UAAP starting February 17 bago siya lalaban sa Qatar para sa Asian Indoor Championships.” (ANGIE OREDO)