UNITED NATIONS (AP) — Sinabi ng co-chairperson ng isang U.N.-appointed panel na kadalasan ay kalahati lamang ng pera mula sa mga donor ang nakararating sa mga taong sinalanta ng mga digmaan at kalamidad na matinding nangangailangan ng humanitarian aid.

Ipinahayag ni Kristalina Georgieva, ang vice president for budget and human resources ng European Commission, sa nine-member panel na naghahanap ng mga bagong pondo para matulungan ang dumadaming nangangailangan ng tulong at hinimok ang mga donor at aid organizations na “work more closely to drive down costs.”

Sa briefing nitong Miyerkules kaugnay ng report ng panel, sinabi ni Georgieva na “humanitarian money is like gold” ngunit “by the time it gets to the recipient it shrinks to only half of what it is worth.’’

Ayon sa kanya, ito ay dahil sa gastos sa transaksyon, pamamahala at “because of us creating bureaucracy.”

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture