Handa na ang lahat para sa pagsipa ng 2016 Taekwondo Rio De Janeiro Olympics qualifying event sa Abril, ayon sa Philippine Taekwondo Association.

Naglaan na rin ang Philippine Sports Commission (PSC) ng kabuuang P4 milyon bbilang ayuda sa hosting kung saan target ng Pilipinas na makasikwat ng slots para sa Olympics.

“I hope to get four, if not, maybe three,” sambit ni PTA chief executive officer Sung Chon Hong.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

“All our athletes are very qualify but then it also depends on the luck of draw,” paliwanag ni Hong.

Posible namang gawin ang torneo sa Grand Ball Room ng Marriott Hotel. (Angie Oredo)