Pinataob kapwa ng St. Francis of Assissi College at National College of Business and Arts ang kani-kanilang mga katunggali sa knockout quarterfinals ng 8th Universities and Colleges of Luzon Athletic Association (UCLAA) men’s basketball tournament sa Marikina Sports Complex.

Nagbigay ng mahahalagang baskets para sa Doves sina John Larotin at John Cristobal upang maigupo ang Lyceum of Alabang Blue Sharks, 66-50.

Nanguna naman para sa Wildcats si Eljohn Limpin na nagtapos na may 26 na puntos nang kanilang talunin ang Asian Institute of Maritime Studies,86-64.

Dahil sa panalo, umusad ang third-seeded Doves ni Coach Gabby Velasco sa semifinals kontra second ranked PATTS College of Aeronautics Sea Horses habang makakatapat naman ng Wildcats ang top seeded Colegio de San Lorenzo Griffins.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang panalo ang ikalawang sunod ng Doves kontra sa Blue Sharks na nauna nilang tinalo sa pagtatapos ng elimination round noong nakaraang lingo sa iskor na 80-45. (Marivic Awitan)