Mga laro ngayon

Ynares Sports Arena

2 p.m. Mindanao Aguilas vs. Tanduay Rhum

4 p.m. Café France-CEU vs. QSR/JAM Liner-UP

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

TARGET ng Café France-Centro Escolar University ang ikatlong sunod na panalo para makisosyo sa liderato sa Caida Tiles sa pakikipagsagupa sa baguhang QSR/JAM Liner-UP sa tampok na laro ngayon 2016 PBA D –League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kasalukuyang nasa ikalawang puwesto ang Bakers, ang reigning Foundation Cup titlist, kapantay ng Phoenix Petroleum na may 2-0 karta sa likod ng solong lider Caida na mayroong malinis na barahang 3-0.

Nakatakda ang laro ganap na 4:00 ng hapon.

Galing ang QSR/JAM Liner sa panalo matapos ang dalawang sunod na kabiguan nang pabagsakin ang Tanduay Rhum Masters, 102-86, noong Enero 26.

Inaasahang magiging mainit ang laban ng dalawang koponan higit at asam ng Maroons na makapagtala ng unang back-to-back win.

“Hindi pa 100 percent yung pinapakita ng team, pero mga 80 percent nagbi-blend na yung mga bago sa team,” pahayag ni QRS/JAM Liner Coach Bert de la Rosa.”Yung depensa namin, yun ang focus naming.”

Para sa Bakers, ang tanging asam ni Coach Egay Macaraya ay mapanatili ang mataas na porsiyento sa kanilang shooting dahil kuntento siya sa depensang ipinapamalas ng kanyang mga players partikular ang kanilang pangunahing slotman na si Rodrigue Ebondo.

Mauuna rito, mag-uunahan namang makapagtala ng unang panalo ang mga winless squads Mindanao Aguilas at ang Tanduay Rhum sa kanilang pagtutuos sa pambungad na laban ganap na 2:00 ng hapon.

Kapwa bigo ang dalawang koponan sa unang dalawa nilang laban, ang Aguilas sa kamay ng Café France at ng Wangs Basketball at ang Rhum Masters naman sa kamay ng Caida Tiles at ng QRS/JAM Liner. (MARIVIC AWITAN)