Libu-libong pasahero ang muling naperhuwisyo matapos pansamantalang suspendihin ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT)-Line 3 kahapon.

Dakong 3:37 ng hapon nang ipatupad ng pamunuan ng MRT-3 ang provisional service o limitadong biyahe ng tren mula sa Shaw Boulevard hanggang North Avenue stations.

Bumiyahe lang ang MRT-3 mula sa Taft Avenue station sa Pasay City hanggang sa Shaw Boulevard sa Ortigas.

Ayon sa ulat, dakong 4:01 ng hapon na naibalik sa normal ang operasyon sa Shaw Boulevard hanggang North Avenue.

National

Banat ni VP Sara: PBBM admin, tuloy pamumulitika hangga't 'di siya 'makulong o mapatay'

(Bella Gamotea)