Kapana-panabik ang pagbubukas ng ikalawang araw ng semi-finals ng World Slasher Cup-1 8-Cock Invitational Derby sa Smart-Araneta Coliseum ngayon.
Maaksyon ang magaganap na paghaharap sa yugtong ito ng mga undefeated entries ng elimination rounds upang umiskor pa ng tig-dadalawang puntos patungong grand finals sa ika-7 ng Pebrero.
Nagtala ng perpektong “four out of four” si Gov. Eddiebong Plaza sa ikatlong araw ng preliminaries upang irehistro ang kanyang 17-1 karta.
Matatandaang umiskor din siya ng 13 panalo sa 14 na laban sa unang araw ng elimination sa torneo na hatid din ng Thunderbird Bexan XP, Thunderbird Platinum, Bmeg at Petron.
Nananatili ring walang talo ang dalawa pa niyang entry - EP RJM AA Oda IBA Platinum at SE Bukidnon EP RJM AA Platinum.
Pumuntos naman ng “two wins out of two fights” sa huling araw ng elimination sina Peping Ricafort/Mayor Glen Duarte (GE Country Road-II), Tady Palma (Tungkong Mangga), Cong. Khulit Alcala (Imee-1 & Imee-2), Jess Moradas/Bernard Moriones (RJM 888/Erick and Jing Happy 8th Anniv.), Jet Olaguer/Soan & Achiu (Mahakam Jet Sweater 1), MJ San Pedro/Aldrin Roxas/Dfer Masiclat (MSNP-ATP-DFER-Paniqui), Erick dela Rosa (Diego/AA), John Capinpin/Erick dela Rosa (JCap/Diego), Erick dela Rosa/Edwin Olazo (419 Tose), Engr. Bong Cababa/Lando Flores (Aim High Magnificent/Rian), Danny Lim (LS-AA-JSF-Diego Clear Cut), at Tri-Al/Triple J.
Samantala, nananatiling walang talo sina Joey de los Santos (JDLS BB-3), Carlos Camacho of Guam (671 Carlos Summit Haus), Vice Mayor Marasigan (MOA Wanda Salamanca 4 Kings-88), Biboy Enriquez (Driving Force-2), Jojo Barcena (Mt. Isarog JB 2016), Arthur Alonzo (EAPA Farm), Joey de los Santos (Toni and Grace), Frank Berin (Sebastian – Ener), Experto GFP, Inc./Celso Evangelista/Nathan Jumper/Randy Hall/Kini Kalawaii (Longscore Filipinas USA Comb), Jay Soria/Anthony Lim (Lucban Prominent Whipper), Cito Alberto/R. Yam (Deep Impact-B), GLA (JUM Start-1 Habagat GLA), Engr. Tony Marfori (Swing Anvaya), Engr. Sonny Lagon (Blue Blade Farm AA – 5 – RJM) at Richard Perez/Jansoy/Dennis Hain (Riper-1 & Riper-2).
Sa paanyaya ng Pintakasi of Champions, ang 2016 World Slasher Cup-1 ay ginaganap sa kolaborasyon ng Thunderbird Platinum at Petron. Binubuo ang media partners ng Gamefowl Magazine, SuperSabong, Cockpihan – Usapang Sabong sa Radyo, SabongTV, Cockfights Magazine, Sabong Star at Fightingcock Magazine.