Ipinadala ng Philippine Navy (PN) ang Marine Battalion Landing Team-1 (MBLT-1) para palitan ang MBLT-2 sa Talipao, Sulu.

Ito ang kinumpirma ni PN spokesperson Col. Edgard Arevalo kahapon.

Ginanap ang MBLT-1 sendoff nitong Lunes sa Marine Base sa Cavite City.

“They will be relieving (the) MBLT-2, its part of a regular retraining process, all battalions should be rotated every year but sometimes it is not done due to operational requirements. We rotate battalions because we need to retrain, refresh, and refurbish for future deployments,” dagdag niya.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Ang bawat MBLT ay binubuo ng 450 hanggang 500 officers at enlisted personnel.

Sa kanilang pagdating sa Talipao sa Linggo, sasabak ang MBLT-1 sa patuloy na operasyon para supilin ang Abu Sayyaf at iba pang lawless elements sa lalawigan. (PNA)