SOLENN, DEREK AT KIRAY copy

ANG tindi ng kamandag ni Kiray Celis dahil sa tuwing mapapanood ang trailer ng Love Is Blind ay hagalpakan ang mga tao sa loob ng sinehan.

Sino nga naman ang mag-aakala na magbibida ang isang tulad ni Kiray na kung paglaruan sa showbiz ay ganu’n-ganu’n na lang.

Sabi nga ng bulilit na aktres nang makatsikahan namin sa presscon ng Love Is Blind, sobra-sobra ang pasasalamat niya kay Mother Lily Monteverde sa laki ng tiwalang ibinigay sa kanya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Kung baga, sinugalan ako, Tita Reggee, sino ba naman ako, di ba? ‘Tapos binigyan pa ako ng guwapong leading men, sina Kuya Derek Ramsay at Kean Cipriano plus super sexy na si Ate Solenn (Heussaff).

“Nasanay lang ako sa showbiz na best friend ng bida, komedyante sa grupo, kaibigan ng grupo, mga ganu’ng role… pero siyempre thankful ako kasi kung hindi rin naman sa mga ganu’ng role, hindi rin naman ako napapansin kaya ako nabigyan ng movie kasi nakita ni Mother na nakakatawa ako,” kuwento ni Kiray.

Ang maganda pa, pinapirma na agad siya ng 6-picture contract ni Mother Lily.

At heto pa, Bossing DMB, mahal na ang talent fee ni Kiray. Nang tanungin kasi namin kung puwede siyang tumanggap ng token para sa event ng exclusive school for girls sa Quezon City na alma mater ng kaibigan natin na boss ng TV network, sinagot agad kami ng komedyana ng, “Tita Reggee, may manager po ako, hindi po ako makakasagot at saka medyo maliit nga po, baka puwedeng dagdagan ‘yan,” sabay sabi ng presyo na nakatawa.

Hindi tuloy namin alam kung seryoso siya o nagbibiro. Hmmm, eh, kung ipa-blind date na lang natin si Kiray, Bossing DMB, makakalibre kaya tayo?

(Blind date kanino? –DMB)

Anyway, palabas na ang Love Is Blind sa Pebrero 10, Miyerkules sa direksyon ni Jason Paul Laxamana under Regal Entertainment. (Reggee Bonoan)