Alden-Richards copy

“WALA po akong red sports car, hindi po akin iyong nai-post sa Twitter,” sagot ni Alden Richards nang makausap namin. “Ito lang po ang sasakyan ko (black Hyundai Santa Fe).”

Nakausap namin si Alden nang mag-guest siya sa tinutulungan ng Alden Nation na cancer survivors na hindi raw niya puwedeng pahindian dahil malapit sila sa puso niya. Matatandaan na cancer ang dahilan ng maagang pagpanaw ng ina ni Alden.

Simula nang mai-post iyong red sports car, may nag-post din na nakita raw si Alden na may kasamang girl sa naturang kotse, na siyempre pa ay inulan ng bashing ng fans ang nag-post at maging si Alden, kaya biglang deleted agad iyon ng nag-post. Na-bash si Alden na kaya raw pala iniwanan si Maine Mendoza sa reception ng Vic-Pauleen wedding dahil may kasama siyang iba.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Sa aming pagtatanong tungkol sa red sports car issue, ang nakasagot sa amin ay si Katotong Allan Diones.

Totoo raw na may kasama si Alden sa sports car, pero si Ms. Malou Choa Fagar iyon, na after ng Eat Bulaga last Saturday, bago sila tumuloy sa kasal nina Vic Sotto at Pauleen Luna, ay isinama si Alden sa wake ng dating basketball player na si Mr. Caloy Loyzaga, ama ni Bing Loyzaga at father-in-law ni Janno Gibbs, na mina-manage ni Malou. 

Favorite pala ni Mrs. Loyzaga si Alden kaya natuwa ito nang makita siya, nagpa-photo op kasama ang mga anak nina Bing at Janno. Nag-post nga si Bing ng picture ng mommy niya at ni Alden, with a caption na, “this man doesn’t need to be bashed.” Nakatanggap din kami ng picture na iyon na sabi’y mas inuna pa ni Alden kaysa samahan si Maine.

Tungkol pa rin sa sports car, tiyak na nakitang inihatid si Alden sa St. James The Great Parish, pero sabi ni Malou, after daw ihatid si Alden, umalis na ang representative ng Jaguar na ipina-test drive lamang daw kay Alden pero wala namang balak bumili nito ang actor.

Mabuti na lamang at hindi nagpapadala sa ganoong intriga si Alden at maging si Maine. Sabi nga ni Alden, for more than six months na magkasama sila halos araw-araw ni Maine, very comfortable na sila sa isa’t isa at alam naman nila ang totoo kaya tuloy lamang sila sa trabaho lalo pa ngayon na may bago na naman silang sinu-shoot na TV commercial na magkasama. (Nora Calderon)