AGONCILLO, Batangas - Nasa mahigit 20 gramo ng shabu ang nakumpiska ng awtoridad matapos maharang sa police checkpoint ang isang kotse na sinasakyan ng dalawang lalaki, sa Agoncillo, Batangas.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 12:05 ng umaga noong Enero 31 nang parahin ng grupo ni Senior Insp. Ernesto Chavez ang isang silver na Honda V-Tec (UNA-137) sa national highway na sakop ng Barangay Bilibinwang.

May natanggap umanong impormasyon ang pulisya na gamit ang naturang sasakyan sa pagdadala ng droga sa naturang bayan mula sa Taguig City.

Sa halip na buksan ang likuran ng sasakyan, pinaharurot umano ito ng driver subalit hinabol at nakorner din sila ng mga pulis.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Naaresto sina Abdon Orlanes, 35, kabilang sa drug watch list ng Agoncillo; at Julius Balani, 32 anyos. (Lyka Manalo)