Pinadapa ng defending champion Far Eastern University-Diliman ang Ateneo, 4-2, para awtomatikong makapasok ng kampeonato ng UAAP Season juniors football tournament sa Moro Lorenzo Football Field sa Ateneo campus noong Sabado.

Naitala ni Keith Absalon ang huling dalawang goals para sa Baby Tamaraws matapos niyang umiskor sa 57th minuto at sa stoppage time upang selyuhan ang kanilang panalo.

Tinapos ng FEU-Diliman ang double-round eliminations na may natipong kabuuang 18 puntos upang makausad sa one-game final.

Ang iba pang mga nakaiskor ng goals para sa Baby Tamaraws ay sina Chester Gio Pabualan na siyang nagsimula ng scoring sa 38th minute at Darryl Aban makalipas ang 9 na minuto.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tumapos namang pangalawa ang Blue Eaglets na mayroong 9 na puntos.

Dahil dito, makakaharap ng Blue Eaglets ang De La Salle-Zobel na nanaig kontra University of Santo Tomas,1-0, sa isang knockout match para sa huling finals berth at karapatang hamunin ang unbeaten FEU Baby Tamaraws sa Miyerkules ganap na 3:00 ng hapon.

Naitala ni Sherwin Basindanan ang nag-iisa at winning goal ng Junior Archers sa 76th minute na nag-angat sa kanila sa third spot taglay ang 7 puntos.

Natapos naman ng Tiger Cubs ang kanilang season na mayroon lamang 1-point. - Marivic Awitan