gilmore copy

INIHAYAG ng Netflix na ibabalik nila ang seryeng Gilmore Girls na may libu-libong tagahanga mahigit isang dekada na ang nakalilipas.

Ang ilan sa mga artista na sina Lauren Graham bilang Lorelai Gilmore at Alexis Bledel, gumaganap bilang anak niya na si Rory, ay magbabalik din.

Kinumpirma ito ni Graham sa Twitter nitong Biyernes ng gabi.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“I CAN NOW CONFIRM: it’s time for me, and this jacket I stole in 2007, to return to work,” pahayag niya sa kanyang account na @thelaurengraham, at idinugtong ang @netflix and hashtag #GilmoreGirls.

Ang nabanggit na Twitter post ay sinundan ng larawan ni Graham na may hawak na lavender jacket na may lettering na “Property of Gilmore Girls Costume” department.

Muli ring mapapanood sa sikat na show, na may umereng 150 episode simula 2000 hanggang 2007, sina Scott Patterson, Kelly Bishop, Sean Gunn at Keiko Agena.

Ang creator na si Amy Sherman-Palladino ang mamamahala sa bagong programa, hindi pa nagbibigay ng detalye ang Netflix kung ano ang titulo ng bagong programa at kung kalian ito mapapanood ng mga tagahanga. (Agence France-Presse)