KALIBO, Aklan - Tinatayang aabot sa 2,000 kilo ng hot meat ang narekober ng awtoridad sa pinaniniwalaan ng pulisya na bagong modus operandi ng Budol-Budol gang sa Aklan.

Ayon kay Dr. Mabel Sinel, ng Aklan Provincial Veterinary Office, agad nilang sinunog ang karneng botcha para hindi ito makapagkalat ng sakit.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo Police, aabot sa 30 katao ang nabiktima ng Budol-Budol sa siyam na bayan sa Aklan, at may ilan ding nabiktima sa Antique.

Ang modus ng grupo, bebentahan at magde-deliver ng karne sa mga sari-sari store sa halagang P10,000, at mangangako na magde-deliver din ng libreng refrigerator at freezer sa biktima—pero hindi aabot sa naturang halaga ang karneng ide-deliver.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Naaresto at nakumpiskahan ng mahigit P100,000 cash na sinasabing kita sa panloloko sina Roland Flores, 30, ng Angeles City, Pampanga; Dennis Abogado, 31; Richard Ilang, 39; at Vangie Badilla, 39, pawang taga-Novaliches, Quezon City. (Jun N. Aguirre)