NARARAPAT lamang na magbawas-presyo ang mga pangunahing bilihin sa sunud-sunod ang pagsadsad ng presyo ng produktong petrolyo.

Oras na para sa patas na presyo para sa benepisyo ng mga mamimili.

Nananatiling puno ng pag-asa ang mga Pilipino na aangat ang kanilang pamumuhay ngayong taon, kasabay ang ulat na bubuti ang ekonomiya ng ating bansa.

Yes sa bubuting ekonomiya at puno ng pag-asang mga Pilipino.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), nararapat lamang pababain na rin ang presyo ng mga pangunahing bilihin dahil mura na ang petrolyo ngayon.

Ayon pa sa DTI, ang mga pangunahing bilihin na sakop sa price rollback ay ang condensed milk, kape, powdered milk, instant noodles, sardinas, corned beef, harina, at semento.

Sa hangaring matulungan ang DTI sa kanilang assessment, tinukoy ng Department of Energy (DoE) na ang presyo ng diesel, na karaniwang ginagamit ng mga manufacturer, ay bumaba na sa 37.8 porsiyento habang ang presyo ng gasolina ay bumaba na sa 16.28 porsiyento.

Ang presyo ng diesel ngayon ay nasa P19 na lamang kada litro, dahilan upang bawasan ng P.50 ang pamasahe ng mga pasahero; dating P7.50, ngayon ay P7.00 na lamang.

Tinukoy din ng DTI ang ulat ng Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP) binawasan na rin ang trucking rates.

Samantala, ang ekonomiya ng Pilipinas ay inaasahan pa ring mas lalakas ngayon taon dahil sa malakas na private consumption, higher government spending at steady remittances.

“The economy is showing a lot of strength despite the volatility in the financial markets, with growth being more a function of strong domestic demand backed up by real purchasing power,” pahayag ni Ildemarc Bautista, research head ng Metropolitan Bank & Trust Company.

Kaugnay nito, umaasa rin ang mga Pilipino na gaganda ang kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan, base sa last quarter survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ayon sa SWS, 45% ng mga sumagot sa survey ay positibo na magbabago at aangat ang kanilang pamumuhay, habang 5% lamang ang nagsabing mas magiging mahirap ang kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan.

Sinabi ng Malacañang na ang pagiging positibo ng mga Pilipino ay nagiging inspirasyon ng Aquino administration upang mas pagbutihin pa ang kanilang serbisyo na paglingkuran ang mga Pilipino.

Yes sa magagandang oportunidad at serbisyo sa loob ng “last two minutes”. (FRED LOBO)