PANAHON na naman ng bigayan ng awards kaya busy na ang award-giving bodies sa paghahanda sa mga parangal na kanilang ipagkakaloob. Unang magbibigay ang Platinum Stallion Awards 2016 ng Trinity University of Asia Theatre sa February 3. Inilabas na nila ang list ng mga napili nila mula sa GMA Network at ilan dito sina Mel Tiangco, Sandra Aguinaldo, shows like Magpakailanman, Bubble Gang, Pepito Manaloto, Sunday Pinasaya, at Celebrity Bluff.

Sina Alden Richards at Maine Mendoza naman ang napiling Trinitarian Most Valuable Male and Female Advertising Endorsers, ang Eat Bulaga as Best Noontime Show at ang Kalye’s Angels na sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros for Value-Oriented TV Characters.

Susundan na ito ng award-giving bodies sa movies. Ang unang award-giving body na hinihintay na magbibigay ng awards ay ang Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF). Pero hanggang sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng official gross ng eight entries ang executive committee ng Metro Manila Film Festival 2015, kaya paano mabubuo ng producer ng GMMSF ang total box office returns ng lahat ng mga pelikulang ipinalabas noong 2015 kung ayaw magbigay ang mga sinehan ng total earnings nila during the MMFF?

Ang tatanghaling box office winners ay magmumula kasi sa iba’t ibang grupo ng theater owners, mula sa mga producers at sa MMFF. (NORA CALDERON)
Tsika at Intriga

Andrea Brillantes, mas hot daw kaysa kay Xyriel Manabat