WASHINGTON (AFP) — Nahaharap ang China sa malaking hamon mula sa cancer sa nakaalarmang pagdami ng bagong kaso at pagkamatay sa sakit nitong mga nakalipas na taon, natuklasan sa isang bagong pag-aaral.

Halos 2,814,000 Chinese ang namatay sa cancer noong 2015, katumbas ng mahigit 7,500 namamatay sa cancer sa isang araw, ayon sa ulat na inilathala ngayong linggo sa US journal na CA: A Cancer Journal for Clinicians.

Ipinakikita rin sa ulat, tinipon ng mananaliksik mula sa National Cancer Center sa Beijing, na mayroong 4, 292,000 bagong nasuri sa cancer nitong nakaraang taon sa China, magiging katumbas ng halos 12,000 bagong cancer diagnoses bawat araw.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture