BASE sa reaksiyon ng mga nanood ng Everything About Her sa premiere night last Tuesday sa SM Megamall, walang dudang isa na namang super blockbuster movie ang pelikulang ito ng Star Cinema.

Kaya ang nasabi ni Angel Locsin nang lapitan namin pagkatapos ng premiere, nabawasan na ang sobrang kaba sa positive reactions at mga komento na natatanggap niya.

“Hindi pa rin po ako maka-recover sa sobrang kaba ko, excitement, eh. I’m very happy na mukhang nagustuhan n’yo naman, happy naman tayo lahat. I’m just very happy na naging parte ako ng pelikulang ito, hindi ko ito makakalimutan,” banggit ni Ms. Angel.

Siyempre, suportado rin si Angel hindi lang ng fans nila ni Gov. Vilma Santos kundi maaga ring nasa sinehan si Luis Manzano na ayon mismo sa kanya ay personal niyang inimbita.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Nakita n’yo naman siya kanina, di ba? Andu’n siya sa likod. Talagang inimbita ko siya dahil alam kong ipagmamamalaki niya ako sa pelikula naming ito ng ina niya. Hindi ko nga lang siya masyadong nakausap kasi nasa likuran siya namin, pero panay naman ang thumbs up niya sa akin,” sey ni Angel.

Agad din namang nilinaw ni Angel ang isyung pinag-uusapan ngayon na kesyo may pinagdaanan sila ni Luis, na naging dahilan daw ng pagiging emotional niya sa second night ng Pilipinas Got Talent 5.

Aniya, nabigyan lang daw ng ibang kahulugan ang pangyayari.

“Ayoko talaga umiyak doon, eh, kaya lang nadala ako ng emotion, kasi ‘yong contestant natin, ‘yong Power Duo, ibang klase ang ipinakita nilang performance. Na-touch ako, merong something sa puso ko na na-trigger nila,” sabi ng dalaga.

Samantala, sa likuran ni Luis Manzano kami nakaupo habang habang pinapanood ang premiere showing, katabi niya si Direk Wenn Deramas. Naitanong namin sa actor kung aware ba siya sa balitang hiwalay na raw silang dalawa ni Angel Locsin.

Napailing lang si Luis, tinawanan kami sabay sabi na panoorin na lang daw muna namin ang pelikula, huh! (Jimi Escala)