YANGON, Myanmar (AP) — Anim ang namatay sa landslide ng mining waste sa hilagang Myanmar, ang ikaanim na nakamamatay na aksidente sa jade mining region matapos ang trahedya noong Nobyembre na ikinamatay ng mahigit 100 katao.

Pinangangambahang mahigit na 12 pa ang naiipit sa ilalim ng mga gumuhong lupa sa aksidente sa Hpakant mining region ng estado ng Kachin.

Ang Hpakant, 950 kilometro mula sa hilagang silangan ng lungsod ng Yangon, ay ang sentro ng jade mining industry.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture