Tiyak nang magiging markado sa mga masugid na tagasubaybay ng larong volleyball ang petsang Pebrero 28 kung kailan nakatakda sa unang pagkakataon ngayong season ang pagtutuos ng defending back to back women’s champion Ateneo at kanilang archrival La Salle matapos ang nakaraang anti-climatic UAAP Volleyball Women’s finals noong nakaraang taon kung saan winalis ng Lady Eagles ang Lady Spikers.

Inaasahang mas maigting at dikdikan ngayon ang magiging laban ng dalawang koponan lalo pa’t magbabalik na mula sa kanyang natamong injury sa tuhod ang dating league MVP na si Ara Galang na inaasahang susuportahan ng mga beteranong sina Cyd Demecillo, Mika Reyes at Cyd Demecillo.

Ngunit ang kanilang gagawing pagbawi ay tiyak na hindi magiging ganun kadali kontra Ateneo na pangungunahan naman ng reigning back-to-back MVP na si Alyssa Valdez na nangakong sisikaping mabigyan ng 3-peat ang Lady Eagles.

Ngunit hindi lamang ang nasabing petsa ang inaasahang dadagsain ng volleyball fans dahil marami pang magagandang

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

nakatakdang laro na nagtatampok sa iba pang mga UAAP squads na mayroon na ring malalaking bilang ng mga followers.

Isa na rito ang hinihintay ding laban sa opener sa pagitan ng Lady Eagles at National University na pangungunahan ng isa sa itinuturing na pinakamahusay na middle spiker sa bansa na si Jaja Santiago.

Sisimulan ng Lady Spikers ang kanilang kampanya sa pagsabak nila kontra sa isa pang contender na Far Eastern University sa Pebrero 3 sa Philsports Arena.

Magtutuos naman sa inaasahang unang blockbuster doubleheader ang Ateneo at FEU at ang La Salle at NU sa Pebrero 10 sa Mall of Asia Arena.

Nakatakdang magtapos ang first round sa Pebrero 28 sa San Juan Arena kung saan magtutuos ang NU at FEU na susundan ng sagupaan ng UP at University of Santo Tomas. (Christian Jacinto)