Aminado ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na hindi maipapasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa kasalukuyang administrasyon.
Ayon kay Mohagher Iqbal, chairman MILF peace panel, malabo nang maipasa ang nakabimbing panukalang batas dahil sa kakulangan lagi ng quorum sa House of Representatives.
Gayunman, umaasa ang MILF at government peace panel na maipapasa ang BBL sa tamang panahon kahit hindi sa administrasyon ni Pangulong Aquino.
Nangako si Iqbal na ipagpapatuloy pa rin nila ang usaping pangkapayapaan sa pamahalaan kahit hindi pa naipapasa ang BBL.
Subalit iginiit ng MILF na wala nang susunod na decommissioning o pagsusuko ng mga armas ng bandidong grupo hanggat hindi naipapasa ang panukalang batas. (Fer Taboy)