Sa unang pagkakataon sa kanilang ikaanim na taon ay bubuksan ng LBC Ronda Pilipinas ang pintuan hindi lamang para sa amateur at professional riders kundi maging sa “cycling public” sa pagdaraos ng kanilang karera simula sa Mindanao Leg na gaganapin sa Pebrero 20-27.

Bukod sa mga tipikal na road races, criteriums, at individual time trials, magdaraos ang Ronda ng mga tinatawag na “community ride” na bukas para sa lahat ng mga cycling enthusiasts upang bigyan ang mga ito ng pagkakataon na makasali sa pinakamalaking karera sa bansa.

“Ronda is giving everyone a chance to not just be discovered and represent the country in future international race but also to simply give them a chance to feel the Ronda experience by joining our community ride,” ayon kay Ronda sports development head Moe Chulani.

Bukod sa paglulunsad ng bagong format at ilang pagbabago, isasama rin ng Ronda ang mountain bike race sa bawat yugto ng karera na nasa ika-anim na taon na ngayon sa pagtataguyod ng LBC at LBC Express kabalikat ang Manny V. Pangilinan Sports Foundation, Petron at Versa Radio-Tech 1 Corp. kasama ang Maynilad at NLEX.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“LBC Sports Devt Corp. feels everyone should have the chance to join Ronda Pilipinas 2016, which is the fourth biggest race in the world in terms of distance covered, not just the elite riders,” ani Chulani.

“That’s why Ronda Pilipinas 2016 will be a bigger and better event where we will have everyone including the executives and amateurs joining us,” dagdag nito.

Samantala, nakipagtambal ang Ronda sa Aliw Broadcasting Corporation na siyang nagmamay-ari ng DWIZ-AM at Home Radio 97.9 FM, bilang kanilang “official radio partner”.

Opisyal na magsisimula ang Ronda sa Pebrero 20 sa pamamagitan ng isang road race na mag-uumpisa at magtatapos sa Butuan City na susundan ng isang criterium kinabukasan sa Butuan at Cagayan de Oro.

Kasunod nito ang individual time trial sa Dahilayan, Manolo Fortich sa Pebrero 25 bago magtapos sa pamamagitan ng isa uling criterium sa Malaybalay sa Pebrero 27.

Ang Visayas leg ay binubuo naman ng Stage One criterium sa Baguio City, Negros Occidental sa Marso 11, Stage Two criterium sa Iloilo City sa Marso 13, Stage Three road race mula Ilolilo hanggang Roxas City sa Marso 15, Stage Four criterium at Stage Five ITT ay sa Roxas sa Marso 17.

Magtatapos ang Ronda sa pamamagitan ng Luzon stages na binubuo ng Stage One criterium sa Paseo sa Sta. Rosa, Laguna sa Abril 3,Stage Two ITT mula Talisay, Batangas hanggang Tagaytay kinabukasan,Stage Three criterium sa Antipolo City sa Abril 6, Stage Four road race mula Dagupan hanggang Baguio sa Abril 8 at Stage Five criterium sa Baguio.

Para sa lahat ng mga gustong lumahok sa “community ride” ay bumisita lamang sa Ronda official Facebook page - at i-download at i-fiil-up ang form at ipadala sa Cycling Pilipinas (LBC SPORTS DEVT. CORP.) c/o Ronda Pilipinas 2016 Secretariat,Blk. 11 Lot 2 Bagong Calzada, Grenville Subdivision, Barangay. Ususan, Taguig City. (MARIVIC AWITAN)