Isang malaking shipment ng imported rice ang nasamsam ng Bureau of Customs (BoC) sa Port of Manila na tinangka umanong ipasok ng isang kooperatiba ng mga magsasaka kamakailan.

Naglabas ng warrant of seizure and detention (WSD) si Manila International Container Port (MICP) Officer-in-charge Antonio Meliton Pascual sa mga rice shipment ng Calumpit Multi-Purpose Cooperative dahil sa kakulangan ng import permit mula sa National Food Authority (NFA).

Nakasaad sa WSD na ang dumating sa MICP ay ang rice shipment mula Thailand sa tatlong bugso: 44 container noong Nobyembre 24; 62 container noong Disyembre 1; at 12 container noong Disyembre 12 ng nakaraang taon.

Kinumpiska ang rice shipment dahil sa paglabag sa Tariff and Customs Code of the Philippines (TCCP) at kakulangan ng import permit mula sa NFA.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hiniling ni MICP-Auction and Cargo Disposal Division (ACDD) Chief Gerardo Macatangay sa NFA kung maaaring mag-isyu ang ahensiya ng permit sa CMPC para sa pag-angkat nito ng Thai white rice.

Subalit sa liham ni Lemuel Pagayunan, director ng NFA Grains Marketing Operations Department, na may petsang Enero 18, dumating ang naturang rice shipment na walang NFA permit. (Raymund F. Antonio)