Alaska nawala sa focus sa kagustuhang maiuwi ang titulo.
Dahil sa gigil at kagustuhang tapusin na ang serye, nawala sa kanilang “focus” sa endgame ang Alaska kaya nabigo sila sa tangkang sweep ng finals series nila ng defending champion na San Miguel Beer noong Linggo ng gabi sa Philsports Arena sa Pasig City.
Nabigo ang Aces na mawalis ang best-of-7 finals series nila ng SMB matapos silang talunin ng huli, 110-104, sa overtime ng Game Four para pahabain pa ang kanilang duwelo.
“Our execution was poor.It’s us not being smart with the basketball.I felt some of our guys we’re gigil they’re fired up,” pahayag ng Amerikanong coach. “But that shouldn’t take away of how well San Miguel played and how well they executed their game plan.”
Inamin din ni Compton na talagang mahirap talunin ang Beermen dahil sa taglay nilang karanasan sa ganitong laban.
“They fought hard. It was a testament to their character, they deserved the win,” dagdag pa ni Compton.“ It’s a series for a reason.It’s not easy to sweep everybody.”
Ayon sa Aces mentor, hindi na dapat maulit ang ganitong “meltdown” ng kanilang koponan lalo na sa depensa pagdating sa endgame.
“I thought Chris Ross getting layups really killed us,” ani Compton. “It’s fundamental breakdowns. It can’t happen. We have to be better.” (MARIVIC AWITAN)