SAN ANDRES, Quezon – Palaisipan sa pulisya ang pagkakapatay sa isang may-ari ng farm na binaril ng hindi nakilalang suspek habang natutulog sa Sitio Bag-As sa Barangay Talisay sa bayang ito, noong Linggo.

Kinilala ng pulisya ang pinaslang na si Diojenes C. Fuentes, 66, residente sa lugar.

Ang bangkay ng biktima ay natagpuan ng kanyang caretaker.

Napaulat na may mga tama ng bala sa ibabang bahagi ng kaliwang braso at itaas at kaliwang bahagi ng katawan si Fuentes, na agad na namatay. (Danny J. Estacio)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog