NEW YORK (AP) - Isang malawakang snowstorm na may kasamang malakas na hangin ang tumama sa East Coast, tinabunan ang lugar ng nasa tatlong talampakan ang kapal na niyebe, na nagbunsod ng pagkakaantala ng biyahe ng libu-libong pasahero.

Ilang araw matapos ang mga babala sa lagay ng panahon, karamihan sa 80 milyong katao sa lugar na tatamaan ng bagyo ay pinakiusapang manatili sa kanilang mga tahanan.

Gayunman, 18 pa rin ang namatay dahil sa pagkakabangga ng sasakyan at hypothermia, na parehong sinisisi sa kalamidad.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'