“TAPOS ang kay Mundong Ilaw!” sigaw ng mga naghihintay na customer sa barberyang suki ako. “Lalong lalaki ang ating populasyon,” dugtong ng isang costumer.

Ang tinutukoy ng mga tsismoso ay ang pagbabawas ng isang P1bilyon sa pondong nauukol sa Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2013.

Ang pondo sa nasabing batas ay para ipambili ng mga condom, intrauterine devices at birth control pills. At ngayon ngang tinanggal na ang pondo para rito, ano na ang gagawin ng mga kawawang mag-asawa, lalo na ang mga kabataan na malimit “manggigil” lalo na sa gabing malamig at tahimik? Simula na ito ng pagtambak ng mga sanggol at mga batang hindi makapag-aral at maghahalungkat sa mga basurahan para may matsibug.

Sa China ay nagkokontrol ng populasyon, tayo ay nagpaparami. Ang itinuturong mga “salarin” sa maliwanag na “kasalanang” iyan ay sina Senators Loren Legarda at Tito Sotto. Si Legarda, bilang chairman ng finance committee, at si Sotto dahil sa umpisa pa lang ay tutol na sa Reproductive Health Bill. Itinuturing ng marami na isang malaking kasalanan sa kaunlaran ng mga maralitang mag-asawa ang hakbang na ito ng dalawang “mabunying” senador.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ngunit may magagawa ba ang mamamayang Pilipino, partikular na ang mga mag-asawang malimit sa pagkakabit ng intrauterine devices? Sa mata ng maraming nakauunawa ay hindi na sana karapat-dapat sa kanilang puwesto ang nabanggit na mga senador. Hindi nila iniisip ang bayan at mga maralita. Ngunit si Sotto ay halos sigurado na ang panalo ayon na rin sa mga survey, salamat sa Eat Bulaga.

Hindi man siya nararapat sa kanyang puwesto ay iboboto rin siya sapagkat lagi na siyang “nakikisawsaw” sa naturang programa lalo na sa klik na klik na “Kalyeserye” at sa kasikatan ng AlDub.

Karamihan sa ating mambabatas ay pabigat lamang sa bayan. Walang naitutulong ang mga ito at nakakadagdag pa sa problema. Yumayaman sa salapi ng bayan ngunit siya ring gumigipit sa mamamayan. (ROD SALANDANAN)