1ac5767498fcaab93d011f5de6c894ccb69b86a8 copy

LOS ANGELES (AFP) – Isinilang na ang anak ni Louis Tomlinson ng One Direction, ayon sa mga ulat nitong Biyernes, ilang linggo matapos mamahinga ng British boy band.

Isinilang na ng Los Angeles-based stylist na si Briana Jungwirth noong Huwebes ang kanilang anak na lalaki, ang unang anak nila pareho, ayon sa ulat ng People magazine at Entertainment Tonight.

Samantala, hindi sumagot sa mga tawag ang kinatawan ni Tomlinson upang magbigay ng komento.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Ngunit tila kinumpirma ni Mark Tomlinson, nagpalaki sa nakababatang Tomlinson bilang kanyang stepfather, ang balita nang ihayag niya sa Twitter na: “Is that the patter of tiny feet?”

Maikli lang ang naging relasyon ng 24 na taong gulang na si Tomlinson at ni Jungwirth at ayon sa naturang magazines, sila ay nananatiling magkaibigan.

Nagkaroon sila ng relasyon nang maghiwalay si Tomlinson at ang kanyang longtime girlfriend na si Eleanor Calder. Si Tomlinson ay naiuugnay nitong mga nakaraang linggo sa 20 taong gulang na aktres na si Danielle Campbell.

Nakilala ang One Direction noong 2010 sa British television contest na The X Factor at simula noon ay isa na sila sa pinagkakaguluhang banda, napupuno nila ang mga arena at napapasigaw at napapasabay sa pagkanta ang kabataan.

Namahinga ang banda noong Nobyembre hanggang sa ilabas nila ang kanilang ikalimang studio album na may titulong Made in the A.M.