pba 16 photo copy

Laro ngayon

Philsports Arena-Pasig City

5 p.m. Alaska vs. San Miguel Beer

Kahayupan (Pets)

Furbaby na nag-iinarte sa dog food, kinagiliwan

Alaska wawalisin na ang finals series nila ng SMB.

Handa na ang Alaska na tapusin ang duwelo nila ng San Miguel Beer sa hapong ito sa muli nilang pagtutuos sa Game Four ng best-of-7 finals series ganap na 5:00 ng hapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Lamang pa sa pagtatapos ng first canto, 20-17, biglang naiwan ang Aces ng double digit sa halftime break, 31-41, noong Game Three na ginanap sa Lucena City, bago unti-unting dumikit at ibinaba ang bentahe sa 55-58, sa pagtatapos ng third canto.

Ito’y matapos nilang maghigpit sa kanilang depensa, na naging daan upang magbalik ang kanilang “transition offense” at mabawi ang kalamangan hanggang sa makamit ang ikatlong sunod na tagumpay, 82-75, na naglapit sa kanila sa asam na unang All-Filipino Cup crown.

“I hope we can finish it on Sunday at Ultra,” pahayag ni Aces coach Alex Compton na tinutukoy ang venue ng Game Four na Philsports Arena na dating kilala bilang ULTRA kung saan malapit lamang sa tinitirahan nito sa Valle Verde.

“Taga Pasig naman ako e, para malapit lang sa bahay,” ang pabirong dagdag nito.

Ngunit sa likod ng nasabing biro ang seryosong paniniwala na hindi ganun kadali ang kanyang iniisip dahil gaya ng naunang tatlong laro, tiyak na hindi sila basta-basta pagbibigyan ng Beermen.

“But we talked about how they will not hand us anything,” anang American coach.

Hindi naman maiaalis ang ganitong pangamba kay Compton dahil noong Game Three ay muntik na namang nakasingit ang San Miguel nang makalamang pa sila sa huling pagkakataon sa iskor na 75-74, may 1:25 pang nalalabing oras sa laro, ngunit nagmintis sa kanilang huling apat na attempts kabilang na ang dalawang tres galing kay Arwind Santos.

Ngunit dahil naman sa ipinakikita ng kanyang mga manlalaro, hindi rin maiwasan ni Compton na ipagmalaki ang mga ito.

“What a pleasure I have in coaching these guys.It’s hard to really express and you saw how they really kept going.”

Sa kabilang dako, bagamat naging mas masikip na ang kanilang mundo, hindi pa rin nawawala ang paniniwala ng Beermen na malaki pa ang posibilidad na ma-extend nila ang serye.

“May isa pa kaming buhay na natitira. Hindi pa naman tapos e,” pahayag ni Beermen forward Arwind Santos na siyang inaasahang mag-i-step-up ngayong Game Four upang pangunahan ang Beermen kasunod ng kanyang di-magandang shooting {3-for17) na ipinakita noong Game Three.

“Kahit maliit na lang yung tsansa, hindi pa naman talaga sya tuluyang nawala. Malaman natin kung nandun pa yung puso naming next game,” dagdag nito. (MARIVIC AWITAN)