Kapwa nagposte ng kani-kanilang ikalawang sunod na panalo ang Colegio San Agustin-Makati at ang Malabon National High School upang makamit ang maagang pamumuno sa premiere 17-and-under Competitive Division ng 20th Women’s Volleyball League (WVL) na ginaganap sa Xavier School gym.

Magaang dinispatsa ng CSA-Makati ang nakatunggaling St. Scholastica’s College-Manila, 25-19, 25-19, para maiposte ang ikalawang panalo sa Group B, habang pinayukod naman ng Malabon National High School ang kanilang kapitbahay na St. James Academy, 25-13, 25-15, para pamunuan ang Group C sa barahang 2-0, panalo-talo.

Bukod sa dalawang koponan, nagsipagwagi rin sa 17-Under Competitive Division ng torneo na inorganisa ng Best Center at tinataguyod ng Milo ay ang mga sumusunod: (Group A) De La Salle-Zobel at Hope Christian School; (Group C) Colegio de San Lorenzo; at (Group D) Saint Pedro Poveda College.

Para naman sa 17-under Developmental Division, namayani ang San Antonio de Padua College kontra Tanong Integrated School, 25-15, 5-22, upang makasalo sa liderato ng Group A ng Sisters of Mount Carmel Catholic School na nanaig naman sa The Seed Montessori School, 25-22, 25-20.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA