Matinding interogasyon ang inabot ng kampo ni Senador Grace Poe mula sa mga mahistrado ng Korte Suprema nang humarap ang mga abogado ng senadora sa kataas-taasang hukuman para sa oral arguments sa kanyang disqualification case nitong Martes.

Matatandaang inapela ni Poe ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na nagdiskuwalipika sa kandidatura niya sa pagkapangulo sa halalan sa Mayo dahil kulang ang kanyang residency requirement, na may kinalaman na rin sa sinasabing pagtakwil niya sa pagiging Pilipino para maging isang American citizen.

Ginisa ng mga mahistrado si Atty. Alexander Poblador tungkol sa intensiyon ni Poe na talagang manatili sa Pilipinas mula noong 2005, lalo dahil hindi nito isinuko, at sa halip ay ginamit pa nito ang US passport sa sumunod na apat na taon.

Tinanong din ng mga mahistrado kung bakit limang taon pa ang hinintay ni Poe bago talikuran ang kanyang US citizenship pagkatapos niyang makuhang muli ang kanyang Philippine citizenship, at umamin si Poblador na ginawa lang ito ng senadora dahil itinalaga ito ni Pangulong Aquino bilang pinuno ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB). (Beth Camia)

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!