Enero 22, 1905 nang sumiklab ang rebolusyon sa Russia matapos magprotesta ang may 500 katao upang payapang ipaabot ang kanilang mga hinaing kay Czar Nicholas II, na nauwi sa ilang buwang kaguluhan sa nasabing bansa. Hindi nagtagal, umabot na ang mga kilos-protesta Baltic provinces, Finland, Georgia, at Poland.

Nangako si Nicholas na bubuo ng elected assembly para magsisilbing tagapayo ng mga lider-pulitiko noong Pebrero 1905, ngunit makalipas ang dalawang buwan ay iginiit nagpumilit ang mga empleyado at mga propesyunal ang pagtatatag ng constituent assembly.

Dahil sa pressure, pinagkalooban ni Nicholas ng pangunahing kalayaan ang mga Russian noong Oktubre 1905. Bago iyon, binatikos ng iba’t ibang social group ang mga kasiraan sa socio-political system, nagwelga, naglunsad ng mga student riot, at pagpatay.

Trending

Tikiman time! Kakasa ka bang kainin ang Pomegranate?