Ipinag-utos kahapon ng Office of the Ombudsman ang paghahain ng graft case laban sa dating general manager ng Cantilan Water District (CWD) sa Surigao del Sur dahil sa kabiguan umano nitong i-liquidate ang cash advance na aabot sa P1.3 milyon.

Nag-ugat ang kaso mula sa reklamo ng Commission on Audit (CoA) na nagsabing nabigo si dating CWD general manager Segundino Buniel na i-liquidate ang cash advance mula Hunyo 2011 hanggang Nobyembre 2012 kahit na ilang ulit na siyang pinaalalahanan ng CoA.

“The respondent has the duty to settle his cash advances. His failure to act in a situation where there is a duty to act demonstrates gross inexcusable negligence, hence, he should be made to answer for this charge,” pahayag ni Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Iginiit ni Morales na responsibilidad ng isang general manager na i-liquidate ang bawat cash advance upang matiyak na ito ay nagastos sa tamang pamamaraan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Noong Mayo 2015, sinibak ng OMB si Buniel sa serbisyo matapos sampahan ng kasong administratibo bunsod din ng naturang kaso. (Jun Ramirez)