TARLAC CITY - Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit kahapon ng isang tricycle driver makaraan siyang barilin ng hindi nakilalang suspek sa harap ng dalawa niyang anak, sa tapat ng Tarlac West Elementary School sa Barangay San Roque, Tarlac City.

Kinilala ni SPO2 Lowel Directo ang biktimang si Raymond Magat, 32, tricycle driver, ng Phase 2, Teresa Homes, Bgy. Tibag, Tarlac City.

Ayon sa report, dakong 7:00 ng umaga at mula sa kanyang tricycle (QO-2140) ay ibinababa ni Magat ang dalawang anak para sa klase ng mga ito nang barilin siya ng suspek. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog