Bumisita si Thai Princess Maha Chakri Sirindhorn kay Pangulong Benigno S. Aquino III sa Malacañang noong Lunes.

Nagkumustahan sina Pangulong Aquino at Princess Sirindhorn, pangalawang anak na babae nina King Bhumibol Adulyadej at Queen Sirikit ng Thailand sa isang maikli at simpleng seremonya sa Palasyo.

Matapos ang courtesy call, naghanda ng hapunan ang mga kapatid na babae ng Pangulo na sina Maria Elena “Ballsy” Aquino-Cruz at Aurora Corazon “Pinky” Aquino-Abellada bilang parangal sa Thai Princess.

Sa kanyang maikling mensahe, ginunita ni Aquino-Cruz ang una nilang pagkikita ni Princess Sirindhorn nang bumisita ang huli sa Manila noong pangulo ang kanyang namayapang inang si Corazon Aquino, para tumanggap ng Ramon Magsaysay Award for Public Service.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“This time you have come to visit the provinces of Leyte and Surigao. Your project with the Department of Education reveals your sincere compassion with the children and your high regard for education,” sabi ni Aquino-Cruz sa Thai Princess.

Kasama rin sa hapunan si Education Secretary Armin Luistro.

Ito ang ikatlong pagbisita ng Thai Princess sa Pilipinas.

Si Princess Sirindhorn ay kilala sa kanyang kawanggawa at pagtataguyod sa kultura at sining. Nakatuon ang kanyang mga pagsisikap sa edukasyon, kabataan at disaster relief. (PNA)