ROSARIO, Batangas – Nasa isa’t kalahating milyong pisong halaga ng sigarilyo at alak ang natangay ng mga hindi nakilalang suspek matapos i-hijack ang isang van sa Rosario, Batangas.

Kinilala ang mga biktima na sina Ramil Custodio, 45, driver; Arvin Pasahol, 27, sales agent; at Leandro Masupil, 49, sales man, pawang taga-Lipa City.

Ayon sa report ng grupo ni PO3 Grizzly Awat, dakong 6:50 ng umaga noong Enero 18, sakay sa aluminum van (TQF-731) ang mga biktima nang huminto para umihi sa gilid ng national highway sa Barangay Alupay.

Tinutukan umano ng baril ng dalawang suspek ang mga biktima, piniringan, iginapos ng tape ang magkabilang kamay at isinakay sa itim na sasakyan.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Iniwan umano ang mga biktima sa magubat na lugar sa Bgy. Del Rosario sa Tiaong, Quezon.

Ang van naman ay natagpuang wala nang laman sa Bgy. San Juan sa Tiaong. (Lyka Manalo)