Alvin Cruz - Kapuso Milyonaryo 8  winner of a house and lot from Bria Homes copy

LABING-APAT na masuwerteng Kapuso viewers ang nanalo sa Kapuso Milyonaryo 8 Grand Draw noong December 20, 2015, kaya masaya silang nagdiwang ng Pasko at Bagong Taon.

 

Mula sa ikawalong season ng matagumpay na network promo ay nagkaroon ng sampung winner ng P1 million in cash, isang winner ng bagong house and lot mula sa Bria Homes, at dalawang winner ng bagong kotse mula sa Proof-of-Purchase promo. Isang masuwerteng manlalaro rin ng Kapuso Milyonaryo mobile app ang nabigyan ng P300,000 in cash, tax-free.

Lifehacks

Feeling tagapagmana ng kompanya? Ilang tips para hindi 'overworked' sa trabaho

Mula sa Kapuso Milyonaryo 8 Proof-of-Purchase Grand Draw, may sampung winner mula sa iba’t ibang dako ng bansa na nabigyan ng panibagong buhay. Kabilang dito sina Manilyn Sobrado ng Bukidnon, Ramites Victorio ng Pangasinan, Romel Arlos ng Iloilo, Madelyn Alforgue ng Cebu, Rommel Agnote ng Sorsogon, Marla Yingcong ng Negros Occidental, Jenniyln Dagsa at Helvy Rose Datan ng Cagayan de Oro, at Ma.Teresita Amaro at Wilfredo Patdu ng Manila na nakatanggap ng P1 million each.

 

Para kay Alvin Cruz, isang dating construction worker mula sa Cavite, natupad ang kanyang mga pangarap nang magwagi siya ng brand new house and lot.

“Minsan naisip ko habang gumagawa ako ng bahay ng iba, sana magkaroon rin ako ng sarili kong bahay at lupa… Masayang masaya ako noong nalaman kong nanalo ako,” ani Alvin.

 

Ngayong 2016, sabik na si Alvin sa paglipat nila ng kanyang pamilya sa kanilang bagong bahay.

 

Natupad din ang mga pangarap nina Mary Ann Duldulao ng Quezon City at Eugenia Dizon ng Malabon nang mahandugan sila ng bagong kotse sa mas pinalaking installment ng promo.

 

Umabot pa sa bagong taon ang suwerte nang manalo si Imee Lorica ng P300,000 in cash tax-free sa Kapuso Milyonaryo Mobile App Grand Draw na ginanap noong Enero 7 mula sa kanyang paglalaro ng endless runner game app ng promo, tampok ang nakakatuwang si Tobz.

 

Ayon kay Imee, nais niyang mabigyan ng birthday party ang kanyang dalawang taong gulang na anak, at pinaplano rin niyang palakihin ang kaniyang Internet shop at ayusin ang kanilang bahay.

 

Mula nang inilunsad noong 2012 ay nakalikha na ang Kapuso Milyonaryo ng walumpu’t pitong milyonaryo, namigay ng labing-isang kotse at pitong bagong bahay.

 

Para sa karagdagang impormasyon sa susunod na season ng Kapuso Milyonaryo, bumisita lamang sa Facebook page, https://www.facebook.com/GMAKapusoMilyonaryo. (NITZ MIRALLES)