Barriers_Shaw Blvd_Mandaluyong_ Metro Manila_19Jan2016-2 copy

Nasa 13 bus driver ang hinuli ng mga enforcer ng Highway Patrol Group (HPG) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos lumabag sa yellow lane policy, kahapon ng umaga.

Dakong 6:00 ng umaga nang hulihin at tiketan ng HPG at MMDA ang may 13 bus matapos lumagpas sa yellow lane sa EDSA southbound.

Nabatid na ang naturang mga bus ay tiniketan at pinagmulta ng P1,000.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Mga bus pa lang ang sinita ng mga awtoridad dahil ipinababatid pa mga motorista kung kailan at saan sila maaaring pumasok sa bus lane ng EDSA.

Sinimulan nitong Lunes ang pagpapatupad sa yellow bus lane sa Shaw Boulevard at Buendia sa EDSA. (Jun Fabon)