Dahil sa kanyang 2nd round knockout win kontra kay Philippine super lightweight champion Adones Cabalquinto, si Al Rivera na ang haharap kay ex-Japanese champion Shinya Iwabuchi para sa bakanteng Orient & Pacific Boxing Federation (OPBF) junior welterweight title sa Pebrero 11 sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Ginulat ni Rivera ang mga boxing fans nang mapatulog niya sa 2nd round ang knockout artist na si Cabalquinto noong Nobyembre 13, 2015 sa Taguig City sa 10-round non-title bout kaya siya na ang haharap kay Iwabuchi.

Isa ring knockout artist si Rivera na may kartadang 14-2-0 win-loss-draw kabilang dito ang 12 panalo sa knockout.

Ngayon lamang siya lalaban sa regional title na nakaangkla sa World Boxing Council (WBC) kaya nangako siyang pipiliting mapatulog ang Hapones.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tinangka nang kunin ni Iwabuchi ang OPBF super lightweight crown nang hamunin ang dating kampeong si world rated Min Wook Kim ngunit natalo siya sa puntos noong Abril 21, 2013 sa Korakuen Hall din sa Tokyo.

Muling tinangkang makamit ni Iwabuci ang titulo sa kababayang si WBO No. 11 contender Keita Obara pero napatigil siya nito sa 12th round noong Agosto 11, 2014 sa bang ginanap din sa Tokyo.

May kartada na 26-5-0 win-loss-draw , 22 ay pawang knockouts,pipilitin ni Iwabuchi na mahablot ang OPBF title sa ikatlong pagkakataon. (Gilbert Espeña)