Pinatawan ng 30 araw na suspensiyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng isang pampasaherong jeep na nag-viral sa social media ang video nito habang nagpapagewang-gewang ng takbo sa gitna ng kalsada sa Marikina City.

Nabatid kay Atty. Ariel Inton, board member ng LTFRB, na ang may-ari ng pampasaherong jeep (PPZ-269) ay si Raymond Deyro, ng 21 Himlayan Bayan, Barangka, Marikina City.

Iisa lamang ang jeep na tinukoy sa Franchise No. 2010-04378 na may rutang Calumpang Marikina-Stop and Shop, Aurora-Cubao, at ito ay kay Deyro.

Sinasabing nagpagewang-gewang ang naturang jeep, na mas kilala sa tawag na “patok jeep”, dahil mas enjoy ang mga pasahero nitong kabataan at mistulang “astig” ang driver sa ganung estilo ng pagmamaneho.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Ayon kay Inton, dapat na sikat ang isang driver sa pagmamaneho nang ligtas at maayos, at hindi sa paraang maglalagay sa alanganin sa buhay ng mga pasahero.

Pinagpapaliwanag na ng LTFRB ang may-ari ng naturang jeep. (Jun Fabon)