MAINE AT ALDEN copy copy

LALONG buhay na buhay ang AlDub Nation, ang fans ng phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza, nang mag-celebrate sila ng 6th monthsary nitong nakaraang Sabado. Humingi si Alden ng pahintulot kay Lola Nidora (Wally Bayola) na mag-date sila, pero hindi sila lamang dalawa, kasama rin nila ang AlDub Nation. 

Pumayag naman si Lola at para nga makasama ang AlDub Nation, ginawa na namang special presentation iyon ng Eat Bulaga. Ginanap ang celebration sa loob ng full-packed na Broadway studio. At masuwerte ang studio audience dahil nang pumasok sila, may pinapirmahan sa kanilang coupon ng kanilang names at address, at sa mga iyon binunot ang lucky audience na nakasali sa “Juan For All All For Juan” at sugod-bahay segment.

After ng six months na pagtatambal nina Alden at Yaya Dub, gustung-gustong malaman ng AlDub Nation kung ano na ang real score sa kanilang dalawa. Pagkatapos ng special dance number nina Alden at Yaya, nagseryoso na si Alden at gusto na niyang malaman kung sasagutin na siya ni Yaya sa kanyang panliligaw. 

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Sa paghingi ng tulong ni Yaya kay Lola, sinabi nitong sagutin niya si Alden kung ano ang tunay na nilalaman ng kanyang puso. Kaya lang, bago nakasagot si Yaya, bumusina at freeze na ang eksena.

Dapat malaman na ginagampanan nina Alden at Maine ang characters nila sa kalyeserye, bilang sina Alden at Yaya Dub.

Kaya naman kilig to the max ang ibinibigay nila sa fans at mga manonood ng kalyeserye kahit madalas na split-screen pa rin sila at palitan ng fan signs. Kaya kung sakali mang sagutin na ni Yaya Dub si Alden (kailan kaya?), ito ay dahil iyon ang itinatakbo ng story ng kalyeserye.

Pero tulad ng laging sinasabi nina Alden at Maine, kahit very close na sila sa isa’t isa, comfortable na silang magkasama, nasa getting-to-know each other stage pa rin sila at hindi rin naman nila isinasara ang possibility na maging silang dalawa. Basta ngayon, work lang muna sila dahil marami pa rin silang gustong marating bilang mga artista.           

Bago natapos ang show noong Sabado, nagpasalamat sina Alden at Yaya Dub sa AlDub Nation na patuloy na sumusuporta sa kanila, kahit pa marami silang pinagdaraanan, hindi sila bumibitiw dahil hindi rin sila nawalan ni Maine ng tiwala sa Diyos. 

Muli ring nagtala ang AlDub Nation ng 6.47 million tweets noong Sabado sa goal lamang nilang makapagtala ng 6 million tweets dahil nga 6th monthsary na nila. (NORA CALDERON)